Exalt: “Reckless Love”
Empower: Exodus 34:6-7; 1 John 4:10,18; 2 Cor.5:14a; Romans 5:7-8, 8:38-39
A Loving God
6 The LORD passed by before him and proclaimed: “The LORD, the LORD, the compassionate and gracious God, slow to anger, and abounding in loyal love and faithfulness… (NET)
Loyal love (‘Khesed’ in Hebrew) - combines the ideas of love, generosity and enduring commitment; it is a promise-keeping loyalty motivated by deep personal care. Ito ang malawak at malalim na kahulugan ng pag-ibig ng Diyos; maaaring hindi maarok ng kaisipan (natural/finite mind) ngunit maaaring iparanas ng Diyos sa lahat ng tao. God showed his ‘khesed’ to Jacob and His chosen nation Israel in spite of their flaws.
Love is an abstract word, yet a very powerful one! Fear is also an abstract word and very powerful one too [Fear torments; it can cripple, weaken and limit your God-given potentialities.] For most of us, ang buhay natin ay nahubog at nalimitahan ng takot (e.g. fear of death, disease, tragedy, rejection, failure. Kalimitan hindi tayo aware na ang mga desisyon na ginagawa natin araw-araw ay karaniwang bunga ng takot; dahilan upang hindi natin maranasan ang pinakamainam na inilaan ng Diyos (God’s best)para sa atin na mga anak Niya. Ngunit kung patuloy nating pagbubulayan kung gaano tayo kamahal ng Diyos at kung sino na tayo ngayon (in the light of Christ’s finished work on the cross), mapapawi ang takot sa ating puso. Walang anumang takot sa pag-ibig. Pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, itoʼy dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig.(1 Juan 4:18 ASND) Ang kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso ang tanging makapagpapalaya sa anumang takot, pangamba o alalahanin sa buhay.
Jesus is the ultimate expression of God’s love. Ipinakita Niya ang pag-ibig ng Diyos sa pagtanggap Niya sa mga taong ‘tinatakwil ng lipunan (e.g., the woman caught in adultery, Zacchaeus). Ang pag-ibig na ito ang nagpabago sa kanila para talikuran ang kanilang mga maling gawain.
Sino ka man, ano man ang iyong nagawa, ano man ang iyong estado o kalagayan sa buhay… mahal na mahal ka ng Diyos. Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit Siya’y nagkatawang tao at inialay Niya ang Kanyang buhay. That’s how God showed
His perfect (unconditional) love. Ito ang malinaw sa puso at kaisipan ni Pablo, kung kaya’t sa kabila ng kanyang mga naranasang paghihirap dahil sa pag-uusig, ang pag-ibig ni Cristo ang nag-udyok sa kanya na patuloy na sundin ang kalooban ng Diyos – ang ipahayag ang pagliligtas at pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao (2 Corinthians 5:14).
Gayundin naman, ang pag-ibig ni Cristo nawa ang naguudyok sa atin kung bakit tayo nagbibigay at naglilingkod o gumagawa sa ministeryo ng Panginoon. Siya ang unang nagmahal sa atin. Makasalanan pa tayo, minahal na tayo ng Diyos. Our performance, whether good or bad, won’t affect God’s love to us. Ang Kanyang tapat na pag-ibig (loyal love) ay nananatili anuman ang ating nagawa o magagawang kamalian, dahil iyon ay kalikasan Niya, na hindi mababago ng anumang gawa ng tao. 38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. (Romans 8:38-38 MBBTAG)
Elevate: Application/Suggested Question:
1. John, the beloved, was very confident of Christ’s love to him. Ikaw rin ba ay komplyansa (confident) sa pag-ibig ng Diyos sa iyo? Paano naaapektuhan nito ang damdamin o pagtrato mo sa ibang tao?